Friday, May 18, 2012

Anyway


I fortunately came across this poem while I was in line waiting for my turn to send a package to a work counterpart in Cebu. 

This poem was titled "Anyway" by Mother Theresa of Calcutta. Apparently, it was originally written by Dr. Kent M. Keith and titled "The Paradoxical Commandments".

This is for the people who continue to stand by their advocacies to help make the world a better place to live in. 

I hope we continue to fight, whatever it takes, however hard it gets, because in the end, we know that there will be victory. 

For all the things we do, the words we say, the emotions we feel, may it be for the greater glory of the Almighty.


-----

Anyway
by Mother Theresa of Calcutta

People are often unreasonable, illogical and self-centered;
Forgive them anyway.

If you are kind, people may accuse you of selfish, ulterior motives;
Be kind anyway.

If you are successful, you will win some false friends and some true enemies;
Succeed anyway.

If you are honest and frank, people may cheat you;
Be honest and frank anyway.

What you spend years building, someone could destroy overnight;
Build anyway.

If you find serenity and happiness, they may be jealous;
Be happy anyway.

The good you do today, people will often forget tomorrow;
Do good anyway.

Give the world the best you have, and it may never be enough;
Give the world the best you’ve got anyway.












-----

The Paradoxical Commandments
by Dr. Kent M. Keith

People are illogical, unreasonable and self-centered.
Love them anyway.

If you do good, people will accuse you of selfish, ulterior motives.
Do kind anyway.

If you are successful, you will win false friends and true enemies.
Succeed anyway.

The good you do today will be forgotten tomorrow.
Do good anyway.

Honesty and frankness make you vulnerable.
Be honest and frank anyway.

The biggest men and women with the biggest ideas can be shot down by the smallest men and women with the smallest minds.
Think big anyway.

People favor underdogs but follow only top dogs.
Fight for a few underdogs anyway.

People really need help but may attack you if you do help them
Help people anyway.

Give the world the best you have and you’ll get kicked in the teeth.
Give the world the best you have anyway.

Thursday, May 17, 2012

Binastos Lang Naman Si Anonymous



Kahapon, ako, kasama ng mga kasamahan ko sa trabaho, ay nagpunta sa Senado upang maranasan kung paano manood ng Impeachment Trial ni Chief Justice Corona ng live.

Katulad ng panonood ko ng UAAP Basketball Championship Season 74 sa pagitan ng Ateneo at La Salle, mas nadama ko ang emosyon ng mga tao, ang tensyon sa pagitan ng prosecution at defense, ng mga senador at ng mga witness kesa kung pinapanood lang ang trial sa telebisyon.

Ang pagkakaiba lamang sa panonood ng UAAP Basketball Championship at ng Impeachment Trial ay ang ilang mga pinagbabawal na gawin -- bawal sumigaw o gumawa o magpakita ng anumang violent reactions, bawal kumuha ng litrato o video habang may session (kaya sayang dahil gusto ko pa sanang kuhanan ng picture si Santiago sa tuwing magsasalita siya sa podium), at ang pinakamasakit na naging bawal para sa akin, ang paggamit ng cellphone (ibig sabihin, hindi ako maka-update sa facebook at twitter o makapagkwento man lang sa mga kaibigan ko).

At nagsimula na nga ang session. Tumayo na ang lahat. Ready na ang lahat sa magiging bakbakan sa araw na iyon.

Ang pinakainabangan ko nung session na yun ay ang paglabas ni Harvey Keh sa witness stand. Isa sya sa mga nagfile ng complaint sa Ombudsman kasama ni Risa Hontiveros at tatlo pang mamamayan para imbestigahan pa lalo ang mga alleged dollar acounts ni CJ Corona.

Itong post na ito ay ilan lamang sa mga reaksyon at realisasyon na naganap sa akin habang nagwawala nanaman si Sen. Miriam Defensor-Santiago na parang siya nanaman ang diyos ng Senado *Paumanhin sa mga salitang ginagamit ko at ako'y talagang nababagabag talaga sa karakter na ipinakita niya*


Bisitang Binastos Basta-basta

Kung maaalala natin, si Keh ay inihiling lamang na imbitahin sa Senado ng Depensa dahil nga isa siya sa mga nagfile ng complaint sa Ombudsman.  Ang hiling na ito naman ay ibinigay ni Enrile at si Keh nga ay kusang nagpakita.

Ngunit pinaunlakan niya ang imbitasyon ng Depensa at nagpakita siya para lang pala bastusin at maliitin sa harap ng sambayanang Pilipino. Hindi ba nakakainis isipin na, ikaw na nga ang dapat ituring na bisita dahil ikaw ang inimbita, ikaw pa ang sisirain at babastusin.

Sino ba naman ang may matinong pag-iisip na magtawag at magpatuloy ng bisita sa bahay para lang paglinisin, paghugasin ng plato, at magpatapon ng basura?

Kung mas lalong iisipin din, si Keh ay isang pribadong mamamayan lamang na ginagawa ang kanyang makakaya para makatulong na unti-unting ibangon ang Pilipinas. Siya ay walang kapangyarihan katulad ng ating mga abogado, congressmen, at senador.

At dahil nga wala siyang kapangyarihan, pansinin nalang kung paano siya tinrato ng Depensa (at ng ilang Senador) -- siniraan ng kredibilidad at binaon lang ng binaon, dahil hindi nila kayang tumanggap ng batikos (siguro dahil the truth hurts so much para sa kanila). Kung kayang gawin ang degredasyon na ito ng mga may kapangyarihan sa isang iisang pribadong mamamayan lamang sa harap pa ng national television, ano pa kaya ang kaya nilang gawin sa milyun-milyong ordinaryong Pilipino kapag wala na ang mga kamera at mga reporter? NAKAKATAKOT ISIPIN!

Hanggang saan kaya ang kayang gawin ng mga may makakapangyarihang siba at matakaw sa pera at atensiyon? NAKAKAKILABOT!


The Anonymous Man in this Universe

Natanong ko din sa sarili ko kung bakit Anonymous nanaman ang nagbigay ng dokumentong ibinigay ni Keh kay Enrile.

Kung ako ang ilalagay sa posisyon ng pinakaunang may hawak ng dokumento, at isa lamang akong ordinaryong mamamayan na gustong makatulong itama ang mali, itatago ko nalang din siguro ang sarili bilang "Mr. Anonymous". Sa kung anong kayang gawin ng mga may kapangyarihan, na halos lahat ata pwede na nilang gawin para lang umayon sa gusto nila ang mga resulta ng bawat bagay, hindi ko nga din ata kayang magbigay ng tiwala sa mga ganitong mga opisyal.

Sana makita ng ibang mga tao ang ganitong anggulo kung baket posibleng meron talagang mga Mr. and Ms. Anonymous in this universe. Dahil takot ang mga ordinaryong taong lumabas at magpakilala dahil alam nilang may mga tigre at buwayang handang-handang dumakma sa kanila sa sandaling naisipan nilang tumaliwas sa kagustuhan ng mga sakim na makapangyarihan (ayon nga kay Gov. Grace, sinong magtitiwala sa bulok na sistema ng hudikatura?)

Sa mga Mr. and Ms. Anonymous dyan, ipagdadasal ko na dumating ang araw na may-lakas ng loob na tayong lumabas at magpakilala kapag gusto natin ng malaking pagbabago at para maituwid ang mga maling nagagawa ng ilan sa atin.


Non-existent Pala!

Ay, teka, nabanggit ko ba na ako ay nagtatrabaho para sa Kaya Natin! Movement? Ang Movement na sinabihan ni Sen. Santiago na may non-existent members? Eto po ako, totoong tao at hindi robot sa internet. Humihinga at nag-iisip.

Sa totoo lang, may mga utak talaga kaming nandito sa Kaya Natin! Hindi lang utak, pero utak at pusong nakalaan para isulong ang maayos na pamamahala na nararapat lamang para sa mga Pilipino -- isang pamahalaan matapat at inuuna ang kapakanan ng sambayanan imbis na sarili.

Kaya may mga taong sadyang hindi namin isinasali sa grupo dahil taliwas ang kanilang karakter at pag-iisip sa amin. Sorry nalang sa kanila.

Para malaman na we exist, ito po ang aming:
-email: knmovement@gmail.com

Kita kits!